Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga susunod na araw.
Ito ay ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ay bahagi ng magandang epekto ng pagpapatupad ng rice tarrification.
Batay aniya sa kanilang natanggap na ulat, mabibili na sa halagang 28 hanggang 29 pesos ang kada kilo ng bigas sa ilang mga pamilihan sa bansa.
Sinabi ni Lopez, pasok ito sa target nilang 34 hanggang 35 pesos kada kilo na presyo ng mga well-milled rice.
Dagdag ng kalihim, nabebenipisyuhan ng mababang presyo ng bigas ang malaking bahagi ng populasyon sa bansa na isa aniya sa layunin ng rice tarrification law na food at rice security.