Pinatitiyak ng Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na serbisyo ng mga ito lalo’t kaliwa’t kanan ang mga party ngayong holiday season.
Binigyang diin ni CSC Chairperson Karlo Nograles na dapat iprayoridad ang trabaho partikular ang mga kliyente, bago ang mga party.
Nilinaw naman nito na hindi ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga party na bahagi na aniya ng mga tradisyon sa opisina.
Kaugnay nito, hinimok ni Nograles ang mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng naaayon na working schedules tulad ng skeletal force upang ma-accomodate ang kanilang mga kliyente.