Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa bawat tahanan.
Ito aniya ay upang matulungan ang mga estudyante na magsisimula nang gumamit ng alternatibong sistema ng pag-aaral habang naghahanda ang mga ekuwelahan sa new normal.
Ayon kay Gatchalian, bagama’t hindi lahat ng estudyante ay may access sa internet, may ilan aniyang maaaring gumamit ng ibang pamamaraan tulad ng radyo at telebisyon na kinakailangan din ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.
Sinabi ni Gatchalian, maraming mahihirap na estudyante na nakatira sa mga remote o malalayong lugar ang wala pa ring elektrisidad at maaaring mahuli sa pag-aaral.
Iginiit ng senador, dapat nang tuparin ng DOE ang pangako nitong isang daang porsyentong pagpapa-ilaw sa buong bansa ngayong taon.