Tinutulan ni Senator Christopher Bong Go ang implementasyon ng mandatory vaccination.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, makabubuting palakasin na lang ang panghihikayat sa ating mga kababayan na magpa-bakuna.
Batay anya sa mga pag-aaral, bumababa na ang vaccine hesitancy ng mga pinoy at dapat itong samantalahin ng gobyerno para sa tuloy-tuloy na vaccine rollout.
Paliwanag ni Go, dapat walang pilitan at ang mahalaga ay makuha ang kumpiyansa ng hindi pa nagpapabakuna dahil ito ang solusyon upang makabalik muli tayo sa normal na pamumuhay.