Muling niyanig ng magnitude 4.8 aftershock ang bayan ng Tulunan, Cotabato ngayong 4:55 p.m. ngayong hapon, Oktubre 20.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa 25 kilometro (km) Timog-silangan sa bayan ng Tulunan at may lalim itong 1 km.
Naramdaman rin ang aftershock sa mga sumusunod na lungsod:
- Intensity 5- Koronadal City;
- Intensity 3- Malungon, Sarangani; at
- Intensity 2- Kiamba, Sarangani at Kidapawan City
Matatandaang nakaraang Martes, Oktubre 16, nang tamaan ng manitude 6.3 na lindol ang bayan ng Tulunan, Cotabato.
Batay sa pinakahuling pag tala ng NDRRMC, aabot na sa anim (6) ang namatay dahil sa lindol.
Kasalukuyan na ring nasa state of calamity ang ilang mga bayang matinding napinsala ng nasabing lindol kabilang ang bayan ng M’lang at Makilala, Cotabato.