Muli na namang niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Cotabato ngayong Linggo, Nobyembre 3.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, kaninang 2:05 pm, namataan ang episentro sa 22 kilometro ng kanlurang bahagi ng Tulunan at tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig.
Samantala, wala namang inaasahang mga aftershocks at wala rin umanong naiulat na nasaktan o nasira dahil sa insidente.