Muling niyanig ng malakas na lindol ang bahagi ng Mindanao dakong 9:11 ngayong umaga, Huwebes, Oktubre 31.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng magnitude 6.5 na lindol sa bayan ng Tulunan sa Cotabato —kaparehong lugar kung saan tumama ang magnitude 6.6 na lindol noong nakaraang Martes, Oktubre 29, na nag-iwan ng walong nasawi.
May lalim itong 2-kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din sa ilang kalapit lalawigan ang naturang pagyanig.
- Intensity VII – Tulunan, Cotabato; Kidapawan City; Bansalan, Davao del Sur
- Intensity VI – Matanao, Davao Del Sur
Instrumental Intensities:
- Intensity VII – Kidapawan City
- Intensity V- Malungon, Sarangani
- Intensity IV- Kiamba and Alabel,Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City;
General Santos City - Intensity III – Gingoog City; Cagayan De Oro City
Samantala, inaasahan namang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig at inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershocks.