Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng North Cotabato.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa layong 12-kilometro timog-silangan ng Tulunan, North Cotabato.
JUST IN: Tulunan, North Cotabato — niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ngayong Martes ng 7:55 a.m. | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/51xodyDQ1z
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
May lalim itong 5-kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity II ng naturang pagyanig sa Kidapawan City habang nakapagtala rin ng Instrumental Intensity III sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga istruktura at wala ring inaasahang aftershocks.