Tulungan na lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa halip na siraan.
Ito ang ipinaabot na mensahe ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga kritiko ng Pangulo.
Ayon kay Go, hindi na nawala ang mga naninira sa Pangulo na tila hindi na makapaghintay na matapos ang termino nito.
Aniya, si Pangulong Duterte ay inihalal ng mayorya ng mga Pilipino kaya dapat bigyan ng pagkakataon na makapagsilbi sa bayan.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Go ang mga patuloy na sumusuporta sa administrasyon at tiniyak na hindi sila bibiguin ng Pangulo.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping