Umaasa ang mga motorista na magpapatuloy ang mababang presyo sa kada litro ng langis sa mga susunod na linggo.
Iginiit ng pampubliko at pribadong motorista, na dapat nang gawing stable ang pagpapatupad ng rollback o bawas-singil sa produktong petrolyo upang mas gumaan ang kanilang pasanin bunsod ng nagtaasang presyo ng mga bilihin sa bansa.
Aminado din ang mga tsuper, na unti-unti na nilang nararamdaman ang pagsigla sa kanilang pamamasada, bunsod ng pagdami ng mga pasahero at pagbaba ng singil sa langis.
Matatandaang epektibo na ngayong araw ang bawas-singil sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene bunsod ng paghina ng demand sa china at pagtaas ng imbentaryo ng langis sa Amerika.