Hindi na mapipigil pa ang tuluyang pag impeach kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon ito kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno subalit hindi aniya naging pantay ang pag trato sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado.
Sinabi ni Deinla na malinaw namang sa simulat simula ay hindi patas ang naging pag trato sa mga karapatan ni Sereno sa ilalim ng konstitusyon kayat talagang mai impeach ito.
Gayunman tiniyak ni Deinla na igigiit nila ang mga karapatan ni Sereno sa senado na tatayong impeachment court.
Tiwala aniya silang kikilalanin ng Senado ang mga karapatan ni Sereno para maging patas ang paglilitis.
RPE