Never say die ang Bureau of Fire Protection (BFP)sa kanilang pagnanais na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng paputok sa tuwing sumasalubong sa bagong taon.
Sa panayam ng DWIZ kay BFP – National Capital Region Spokesperson F/Sinsp. Anna Rizza Celoso, binigyang diin nito na maliban sa nakapipinsala ang mga paputok sa ari-arian, masama rin aniya ito sa kalusugan.
Magugunitang marami nang lokal na pamahalaan ang nagpasa ng ordinansa na tuluyang nagbabawal sa paggamit ng mga paputok kahit na ang mga pailaw.
Habang ikinukonsidera na rin mismo ni Pangulong Rodrigo Dutertre na gawin na ang pagbabawal sa buong bansa
Binigyang diin pa ni Celoso na marami naman aniyang maaaring gamiting alternatibo sa pagsunod sa mga paniniwala tuwing sasapit ang pagpapalit ng taon.