Ipinauubaya ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung tuluyan na nitong ibabasura ang Visiting Forces Agreement o VFA sa Amerika.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, isa ang VFA sa mga haligi ng matatag na alyansa ng pilipinas at amerika gayundin ng hukbong sandatahan nito.
Giit pa niya, nagbigay ang vfa ng pagkakataon para sa malalimang pagsasanay sa pagitan ng dalawang hukbo bilang pagtupad sa umiiral na mutual defense treaty noong 1951.
Dahil dito, sinabi ng AFP Chief na ipagpapatuloy lang nila ang kapabilidad at pakikiisa sa kanilang mga kaalyado tulad ng amerika upang sabay na matugunan ang mga hamong pangseguridad.