Idineklara na ni Iranian President Hassan Rouhani ang katapusan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Sa kanyang talumpati sinabi ni Rouhani na kanila nang nalupig o hindi kaya ay nabawasan na ang kasamaan ng nasabing grupo sa kanilang rehiyon.
Aniya, kanila nang nawasak ang pundasyon at ugat ng ISIS bagama’t hindi nila inaalis ang posibilidad na ipagpatuloy ng mga kakampi ng ISIS ang terorismo.
Gayundin, inanunsyo na ni Revolutionary Guards Senior Commander Major General Qassem Soleimani ang pagkatalo ng ISIS.
—-