Ibinabala ng mga siyentipiko ang tuluyang pagkawala ng mga coral reefs o bahura kung hindi kikilos ang buong mundo para labanan ang climate change.
Sa harap ito ng bleaching event sa great barrier reef ng Australia na syang itinuturing na coral reef system sa buong mundo.
Ang bleaching event ay ang paglabas mga algae na nasa tissues ng bahura na pinagmumulan ng 90% ng kanilang enerhiya.
Ayon kay Dr. C. Mark Eakin, coordinator ng National Oceanic and Atmospheric Administration Coral Reef Watch, ito na ang ikatlong mass bleaching event sa great barrier reef sa loob lamang ng limang taon.
Sa nangyaring bleaching event anya nong 2016 at 2017, halos kalahati ng mga bahura sa great barrier reef ang nangamatay.