Dedesisyunan na ng Quezon City government sa loob ng linggong ito kung tuluyan nang ipasasara ang Balintawak Market.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, nakasalalay ang kanyang desisyon sa magiging rekomendasyon ng 8 hanggang 10 departamento ng Quezon City na nagpapatupad sa development plan para sa syudad.
Sinabi ni Bautista na 50 taon na ang Balintawak market at napag-iwanan na ito ng marami pang pribadong palengke sa Quezon City.
Maliban dito, mapanganib na rin anya ang istraktura ng balintawak market lalo na kapag lumindol.
Nilinaw ni Bautista na hindi lamang naman ang Balintawak market ang kanilang tinitignan kundi ang may 40 pang pribadong palengke sa syudad.
“Kung ang gusto ng may-ari ay palangke pa rin ang gagawin nila, hindi sila magsasara, eh dapat they should conform, sumunod sila sa standard ng Quezon City government, so natiyempo-tiyempo lang na Balintawak ang nasimulan namin dahil tulong na natin sa national government sa pag-ease ng traffic.” Pahayag ni Bautista.
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo grabbed from the internet