Nanawagan para sa tuluyang pagpapatigil sa pagagamit ng coal at mabilis na paglipat sa mga renewable energy sources sa Asya ang mga Environmental group sa bisperas ng Lunar New Year.
Kahapon ay nagsagawa ng flash mob ang Climate Campaigners sa Fil-Chinese Friendship Arch sa Binondo, Maynila suot ang tiger mask sa pagdiriwang ng Lunar New Year bilang taon ng pagkilos para sa kabuuang coal phase out.
Pinangunahan ng Asian Peoples Movement on Debt and Development o APMDD, miyembro at partner organizations na Sanlakas, Philippine Movement for Climate Change, Oriang Women’s Movement at Partido Laban ng Masa ang naturang aktibidad.
Ayon kay APMDD Coordinator Lidy Nacpil, dapat kumilos nang mabilis ang China sa mga climate pronouncement at palakasin ang pamumuno nito sa climate action.
Sa pamamagitan anya ito ng pagtigil ng mga Chinese Institutions at Banks sa pagpopondo at pag i-invest sa Overseas Coal Projects alinsunod sa pahayag ni President Xi Jinping noong Setyembre.
Samantala, isinagawa rin ang mga katulad na aktibidad sa iba pang mga lungsod at kabisera ng Asya.