Pabor na umano ang mayorya ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa tuluyang pagpapatigil sa paggamit ng face shield sa labas ng bahay.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Roque, tinatalakay na ng IATF kung ipagpapatuloy pa o ipatitigil na ang pagsusuot ng face shield.
Marami na rin anya ang may panawagan o nagsusulong nito lalo’t bumababa na ang COVID-19 cases.
Gayunman, nilinaw ng Palace official na hihintayin pa ang pasya ng IATF kaya’t kailangan pa ring magsuot ng face shield lalo na sa mga lugar kung saan maraming tao. —sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29)