Tila isinuko na ng Pilipinas ang karapatan nito sa China hinggil mga pinag-aagawang teritoryo sa west philippine sea.
Ito ang reaksyon ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio makaraang tablahin ng Malakaniyang ang kaniyang mungkahing muling magsampa ng reklamo ang Pilipinas laban sa China.
Ayon kay Carpio, nababahala siya sa isa pang naging pahayag ng palasyo na “out of goodwill” umano ng china ang pagpayag nito na makapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough o Panatag Shoal.
Una nang kinumpirma ng national Security Council ang nangyaring pagsira ng tsina sa mga bahurang bahagi ng mga pinagtatalunang teritoryo sa west philippine sea.
Kasunod nito, kinondena rin ni Carpio ang umano’y pangongotong ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa scarborough shoal na aniya’y malinaw na isang uri ng pamimirata.