Halos 300 porsyento ang itinaas ng mga iniuulat na online sexual exploitation ng mga bata sa bansa sa nakalipas na tatlong buwan o panahong nasa lockdown ang maraming lugar dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito sa Department of Justice (DOJ) matapos makatanggap ang cybercrime office nito ng halos 280 ,ooo reports mula sa isang international non-profit network mula Marso 1 hanggang Mayo 24 o pag akyat ng kaso ng nasa halos 77,000 kumpara sa iniulat ng grupo nuong isang taon.
Sinabi ng DOJ na ang nasabing bilang ay kumakatawan sa report ng online sexual exploitation ng mga bata kung saan and biktima o ang offender ay naririto sa Pilipinas.
Ang cybercrime office ng DOJ ay mayruong pakikipag ugnayan sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) hinggil sa mga nasabing report.
Binigyang diin pa ng DOJ na ang pagtaas sa NCMEC CTR o cyber typline report ay nakasalig na sa panahon ng ECQ kung kailan ipinatutupad ang stay at home measures ay tumaas ang paggamit ng internet ng mga tao.
Gayunman nilinaw ng DOJ na hindi lahat ng report ay maikukunsider na actual cases sa pilipinas dahil ipinakita lamang ito sa mga otoridad para sa posibleng review at investigation.