Itinuturing ng palasyo na “good news” ang napaulat na pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang destinasyon noong Semana Santa.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, malinaw na nakabangon na ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Patunay din ito ang pagtaas ng “confidence level” ng publiko na lumabas para magbakasyon kahit hindi pa tuluyang nawawala ang banta ng pandemya.
Dahil dito, maka-rerekober na rin anya ang ekonomiya ng mga lugar na naka-asa sa turismo.
Gayunman, inihayag ni Andanar na dapat manatiling mapagmatyag at maingat ang publiko at tumalima sa minimum public health standards.
Kabilang sa mga dinumog noong Mahal na Araw ang Isla ng Boracay sa Malay, Aklan kung saan umabot sa 22,519 ang bilang ng turista noong april 15 o lampas sa tourist limit na 19,215 carrying capacity.