Tumaas ang kaso ng HIV-AIDS nitong buwan ng Hunyo.
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat sa 56 na porsyento ang itinaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa kumpara sa kapareho nitong period noong nakaraang taon.
Katumbas ito ng 772 bagong kaso ng HIV-AIDS kung saan 62 na ang nasawi sa naturang sakit.
Ang mga ito ay na-diagnosed mula Mayo 21 hanggang Hunyo 22.
Sinasabing 95.46 percent ng kaso ng HIV-AIDS ay nakuha ng mga biktima sa pakikipagtalik sa mga kapwa nila lalake.
By Ralph Obina