Kailangang harapin ng lahat ang tumataas na kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant ng Coronavirus.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Professor Ranjit Rye, isa sa mga miyembro ng OCTA Research Group sa gitna nang magkakaibang reaksyon sa panukala nilang circuit breaker lockdown sa loob ng dalawang linggo sa lalong madaling panahon para mapigil ang pagkalat ng Delta variant cases.
Sinabi ni Rye na ang pagharap sa hamon ng COVID-19 ay hindi lamang responsibilidad ng mga doktor kundi ng iba pang experts na makakatulong para mapigilan ang pagsirit pa ng kaso ng virus lalo na nang higit na delikadong Delta variant.
Ang challenge po ng COVID, hindi kailangan doktor lang. You can’t leave it to the doctors, it’s an inter-disciplinary, multi-disciplinary tayo. We need the expertise of the scientist and the social scientist. And so, ganun ho yung gusto namin. We want to save lives po. Yun ho yung aming… Wala ho kaming tinatanggap na bayad dito at wala ho kaming tinatanggap na suporta kahit kanino, ito ho’y kawang-gawa namin, kontribusyon namin sa diskusyon sa sama-sama nating, kolektibo nating laban against COVID. So, gusto lang namin sabihin sa mga…namin, alam namin na talagang passionate din kayo about saving our country pero mag-focus po tayo sa totoong laban, yung COVID. ” si Professor Ranjit Rye, isa sa mga miyembro ng OCTA Research Group sa panayam ng DWIZ.