Pinaiimbestigahan ni Senador Leila De Lima sa senado ang tumataas na unemployment at under employment rate sa bansa.
Sa isinumeting resolusyon ni De Lima sa Committee on Labor and Employment ng senado, kanyang iginiit na dapat paghandaan ng pamahalaan ang tumataas na bilang ng mga walang trabaho upang hindi ito gaanong maka-apekto sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, dapat palakasin ng pamahalaan ang mga programa sa paglikha ng mga trabaho at paghanap ng paraan upang maresolba sa problema sa job mismatch.
Dagdag pa ni De Lima, nakagpapalobo pa sa bilang ng unemployment ang mga OFW o Overseas of Filipino Worker na nawalan ng trabaho at walang makuhang alternatibong mapagkakakitaan pagbalik ng bansa.
Batay sa opisyal na pagtaya, tumaas mula sa 3.84 million noong 2015 hanggang sa 3.9 million noong 2016 ang unemployment rate sa bansa.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno