Limang (5) tren ang pinalarga sa unang bugso ng biyahe ng Metro Rail Transit o MRT-3 ngayong araw na ito.
Dahil dito, pasado alas-5:00 ng madaling araw pa lamang ay nai-deploy na ang P2P buses sa MRT North Avenue Station at kaagad nakabiyahe ang mga ito matapos mapuno.
Subalit ipinabatid ng control center ng MRT na makalipas ang isang oras o alas-6:00 ng umaga ay nadagdagan ng isa ang mga umaandar na tren ng MRT.
Inaasahang aabot sa walo hanggang siyam na tren ng MRT ang operational ngayong mag-hapon.
Samantala, 800 commuter din ng MRT-3 ang pinababa sa Santolan Station pa-northbound.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagkaroon ng problema sa kuryente ng motor ng tren mag-a-alas-11:00 kaninang umaga kaya’t pansamantalang itinigil ang biyahe ng mrt.
Makalipas naman ang anim na minuto ay dumating ang tren na sinakyan ng mga naapektuhang pasahero.
—-