Inaresto ng mga tauhan ng NBI o National Bureau of Investigation si Kenneth Dong, ang umano’y middleman sa shipment ng mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu.
Ito ay may kaugnayan sa kasong rape na kinasasangkutan ni Dong.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kailangan nilang idaan sa proseso si Dong matapos na makakuha ng warrant of arrest laban sa negosyante.
Dagdag ni Lavin, nagsagawa rin sila ng background check kay Dong matapos na mabanggit ang pangalan sa pagdinig sa Kongreso kaya kanilang nalamang ang kasong rape laban dito.
Si Dong ay agad na inaresto matapos ang pagdinig ng blue ribbon committee sa senado at kasalukuyang hawak na ng NBI.