Ikinababahala ng Department Of Health-Western Visayas sa lumalalang hawaan ng COVID-19 sa rehiyon.
Sinabi ni DOH-Western Visayas Center for Health Development Medical Officer III Dr. Dahynie Teorima, nababahala sila dahil patuloy ang hawaan ng symptomatic cases kung saan malaki ang tiyansang makapanghawa ang mga ito.
Samantala, nakapagtala ngayon ang rehiyon ng 13, 539 active cases kung saan 45.31% ang nasa asymptomatic cases.
Aniya, ang pagtaas ng kaso sa rehiyon ay dahil marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga health protocols.
Matatandaang inilagay sa alert level 3 ang Western Visayas pagdating sa healthcare utilization.