Nababahala na umano ang international community sa tumitinding wildfire sa Brazil.
Sinisisi ng libu-libong aktibista at environmentalists sa mga polisiya na ipinatupad ni Brazilian President Jair Bolsonaro kaya’t patuloy pa ring nasusunog ang Amazon rainforest.
Ayon naman sa National Oceanic and Atmospheric Administration ikinagulat nila ang balitang pagkasunog ng malaking bahagi ng nasabing gubat dahil fire resistant anila ito.
Sagot naman ni Bolsonaro walang sapat na ebidensya ang mga non-government organization para mapatunayan kung ano ang naging sanhi ng malawakang pagkasunog ng nasabing gubat.
Nakapagtala naman ang National Institute for Space Reseach ng halos 74,000 wildfires ngayong taon kung saan ito ay mas mataas ng 84 na porsyento noong 2018.
Ang Amazon rainforest ay kilala bilang lungs of the earth dahil 20% ng oxygen sa mundo ay dito nagmumula.