Inihayag ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na maaaring doble pa sa naiuulat na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang tunay na bilang nito.
Ayon kay PHAPi president Dr. Jose de Grano, ito ay posibleng dahil sa kakulangan sa COVID-19 testing, at itinuturing na lamang ng karamihan na regular flu ang COVID-19.
Sa kabila naman ng pagtaas ng mga kaso, sinabi ni de Grano na nananatiling manageable ang Hospital Utilization Rate ng bansa, at karamihan sa mga kaso ay mild o asymptomatic lamang.
Ipinunto naman ni de Grano ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards, partikular ang pagsusuot ng face masks at paigtingin ang pagtuturok ng booster shot sa bansa.