Napilitang magbitiw noon sa puwesto si dating Health Secretary Enrique Ona.
Ito ang isiniwalat ni Ona sa pagharap nito sa pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersyal na paggamit sa dengue vaccine na dengvaxia.
Ayon kay Ona, inutusan siya ng noo’y Pangulong Noynoy Aquino na mag-leave muna.
Inamin ni Ona na nagkaroon sila ng tampuhan ng dating Pangulong Aquino na may kaugnayan sa ilang transaksyon ng DOH tulad ng pagbili ng pneumococcal vaccine 10 o PVC 10 na bakuna sa pulmunya para sa mga bata.
Matatandaang kalusugan ang idinahilan noon ni Ona kaya siya nagbitiw bilang kalihim ng DOH.
“Noong kayo’y nag-resign, nag-leave po muna kayo hindi ba?” Tanong ni Senator Gordon
“Couple of weeks, mga 3 weeks po ata yun, and the reason for that was because I really actually already resigned but I was just asked to say mag-leave daw muna, Your honor, I would consider na kayo na ang mag-conclude but on my part you may call it naiipit ako doon but there was no suspicion on my part na that was the issue.” Sagot ni Ona
Sinabi pa ni Ona na kabilang sa hindi nila napagkasunduan ng dating Pangulo ang panukala nitong palakasin ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa pamamagitan ng paglalaan ng malaking pondo para dito.
“Well if you recall your Honor, that was also the time na we had a big issue with Africa on ebola virus and so with all these so called emerging diseases I really felt that we had to strengthen the RITM, and alam niyo po I consider it as a poorly funded institute sa ating gobyerno and yet has very important function with regards to research.” Pahayag ni Ona
—-