Posibleng malaman ang tunay na estado sa suplay ng asukal sa bansa sa buwan ng disyembre.
Ito ang iginiit ni department of agriculture o da undersecretary domingo panganiban kaugnay sa usapin ng kakulangan ng suplay ng asukal.
Sinabi pa nito na posibleng ilabas ngayong linggo ng mga traders ang nabili nilang asukal mula sa mga sugar miller.
Aniya, base kanyang pagtataya ay nasa dalawa hanggang tatlong buwan pa bago malaman ang estado ng asukal.