Sa December 2022 pa malalaman ang tunay na estado ng suplay ng asukal sa Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban na sa buwan pang ito matutuklasan kung may shortage ng asukal sa bansa at kailangan bang mag-import para solusyunan ito.
Sa loob ng isang linggo orihinal na maipalalabas ng mga traders ang asukal.
Pero dahil matagal itong naipon ay aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago ito mailabas sa publiko.
Nauna nang kinumpirma ng Malakanyang na aabot sa 150,000 toneladang asukal ang ipinanukalang angkatin ng bansa para masolusunan ang umano’y shortage nito sa Pilipinas.