Binigyang diin ni Professor Michael Xiao Chua, na ang tunay na kasarinlan ay nagmumula sa kabutihang loob ng bawat isa.
Ipinaliwanag ni Chua na hindi sapat ang pagkakaroon ng karapatang pampulitikal, para masabing malaya ang isang tao, dahil kailangan munang maging komportable ito.
Sinabi ni Chua na kapag maluwag ang pamumuhay ng mamamayan, mas mararamdaman ng mga ito ang pagiging malaya.
“Politically, yes we have independence, pero kasi sabi ni Andres Bonifacio, kailangan maging maginhawa muna ang tao bago siya maging malaya. Ang mahalaga kailangan nakakakain tayo, meron tayong kalusugan, kumportable ang buhay natin dahil diyan mo lang ma-eenjoy yung kalayaan mo. Ang tunay na kalayaan po ay nagmumula sa kabutihang loob natin at pagtuturingan na magkakapatid bilang isang bansa.” Pahayag ni Chua.
By Katrina Valle | Ratsada Balita