Ilang linggo ang bubunuin para sa mas malalimang imbestigasyon tungo sa pagtukoy sa tunay na pinagmulan n COVID-19 na umanoy nagsimula sa China.
Ito ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ay dahil hindi pa sapat ang resulta ng pag-aaral na inilabas ng group of experts na nagtungo sa China hinggil sa tunay na pinagmulan ng COVID-19.
Inamin ni Ghebreyesus na nahirapan ang grupo sa pag-aaral ng raw data kayat kailangan pa ng dagdag na panahon para makapag imbestiga pa.
Binigyang diin ni WHO investigation team leader Peter Ben Embarek na walang ebidensyang nagmula ang virus sa laboratory leak sa China at malaki ang paniniwala aniya nilang ang virus ay nasa Wuhan, China na Oktobure o Nobyembre pa lamang ng taong 2019.