Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na magpatupad ng tunay na repormang agraryo at itgil ang mga patayan.
Ito ang inihayag ni CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, kasabay ng paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng madugong Mendiola massacre.
Giit ni De Guia, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga magsasaka sa pagtitiyak ng katatagan sa suplay ng pagkain sa bansa subalit patuloy na nabibiktima ng panggigipit at pang-aagaw ng lupang sakahan.
Nakalulungkot aniyang isipin na nakararanas ng food insecurity ang mismong mga nagpapakain sa taumbayan at tinatapatan sila ng pananakot sa tuwing dinadala sa lansangan ang kanilang protesta.