Tuluy-tuloy ang tune up games ng Little League Philippines ng Negros Occidental.
Ito ayon sa team ay bagamat handa na sila sa pagsabak sa Asia Pacific Softball Tournament sa Singapore sa June 15.
Nakatakdang lumipad pa Singapore ang team sa June 14.
Sinabi ni Coach Lizviminda Jalandoni na target ng team na mapasakamay ang kampeonato para maging kinatawan ng Asia Pacific Region sa world series na gagawin sa Portland, Oregon, USA sa August 12.
Ipinabatid ni Jalandoni na nagti-training pa ang players nilang 11 hanggang edad 12 bago pumasok sa klase sa umaga at muling babalik sa football field 7:00 haggang 9:00 ng gabi habang pinag-aaralan din ang istilo ng kalaban sa pamamagitan ng panunuod ng video.
By Judith Larino