Wagi sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS sina Allen Dizon bilang best actor para sa pelikulang Magkakabaung at si Toni Gonzaga naman bilang best actress para sa pelikulang Starting Over Again.
Ang “Magkakabaung” ay 2014 drama independent film sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana at ang Starting Over Again ay pelikula noong 2014 sa direksyon ni Olivia Lamasan.
Best supporting actress naman si Sylvia Sanchez sa pelikulang “The Trial” habang best supporting actor si Gabby Eigenmann at best child performer naman si Miggs Cuadermo sa parehas na pelikulang “Asintado”
Nasungkit naman ng historical action drama film na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” sa pangunguna ni Robin Padilla ang best picture, best director at cinematography.
Samantala binigyan ng FAMAS lifetime achievement award naman sina Joey de Leon, Tito Sotto at Vic Sotto.
Kinilala rin ng FAMAS ang mga multi-awarded actresses para sa “Iconic Movie Queens of Philippine Cinema” na sina Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Maricel Soriano, Dawn Zulueta, at si Sarah Geronimo.
By: Jenny Valencia