Dumating na sa bansa ang Tunnel Boring Machine (TBM) na siyang gagamitin sa paggawa ng Metro Manila Subway Project.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang dalawang mga TBM ay dumating noong Huwebes, ika-22 ng Abril na kanilang pinangalanang TBM kaunlaran at perlas ng silanganan.
Kasunod nito, inaasahang magsisimula ang aktwal na paghuhukay sa tinaguriang “project of the century” bago matapos ang taong 2021.
Oras namang matapos ang subway na ito aabot na lamang sa 40-minuto ang biyahe mula Quezon City patunggong NAIA na sa ngayon ay inaabot pa ng higit sa dalawang oras.