Naapektuhan ang turismo ng bansa dahil sa video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations (UN) tungkol sa umano’y Extra Judicial Killings o EJK’s.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nahihirapan silang ipakilala ang Pilipinas bilang tourist destinaton dahil sa pinainit na extrajudicial killings at drug war ng gobyerno.
Kahit saan, aniya, siya magpunta, lagi siyang tinatanong tungkol sa extrajudicial killings.
Sinabi ng kalihim na sinasagot na lang niya ang mga tanong sa pamamagitan ng pagtitiyak na ligtas magpunta sa Pilipinas.
Nakiusap si Teo kay Robredo at sa media na huwag nang palakihin ang isyu ng extrajudicial killings sa Pilipinas dahil hindi ito nakatutulong sa turismo ng bansa.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping