Tiwala ang DOT o Department of Tourism na maaabot nila ang kanilang target na pitong milyong turista na papasok sa bansa ngayong taon.
Ayon ito kay DOT Assistant Secretary Frederick Alegre matapos na umangat ang turismo sa bansa dahil sa pagho – host nito ng katatapos na 31st ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit.
Batay aniya sa kanilang huling tala noong Agosto, ay nasa 4.5 milyong turista na ang nakapasok sa bansa habang 11 percent naman ang itinataas ng tourist arrival kada buwan kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Alegre, bagaman tapos na ang ASEAN summit, ay mayroong ilang foreign delegates ang nag – extend pa ng kanilang pamamalagi sa bansa para mamasyal sa mga tourist destinations tulad sa Pampanga, Baguio at Bohol.
Matatandaang noong nakaraang taon ay umabot lamang ng 5.97 milyong turista ang pumasok sa bansa.