Inaasahang muling mabubuhay at lalakas ang industriya ng turismo sa Pilipinas kasunod ng hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking abot-kaya ang presyo ng COVID-19 test kits.
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat matapos ikalugod ang paglagda ng Pangulo sa batas na nagtatakda ng price cap sa COVID-19 tests.
Ayon kay Puyat, inaasahan nila ang pagdami ng mga domestic trips dahil sa pagtatakda ng standard na presyo ng RT-PCR at antigen tests na isa sa requirement para makapunta sa mga tourist destinations sa bansa.
Dagdag ni puyat, makatutulong din aniya ito para tumaas muli ang kumpiyansa ng mga lokal na turista na bumiyahe sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ng kalihim na mananatili pa rin ang “test before travel policy” sa kabila ng unti-unti nang pagbubukas muli ng iba’t ibang mga tourist destinations sa bansa.