Iminungkahi ni Turismo Nominee Marco Bautista na gawing 5 araw na lamang ang quarantine period ng mga biyaherong papasok sa bansa.
Una rito, nagpasalamat si Bautista kay Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong gawing 7 araw na lamang ang quarantine ng mga biyahero.
Giit ni Bautista, kung may 2 linggong leave ang isang OFW ay halos kalahati ng kanilang bakasyon ay gugugulin lamang nila sa quarantine facility.
Aniya, kung babawasan ang quarantine period ay tiyak na aangat muli ang turismo.
Sa ngayon, kinakailangang manatili ng 10 araw sa quarantine facility ang mga biyahero ngunit kailangan pa ring tapusin ang 14-day quarantine sa bahay. —sa panulat ni Hya Ludivico