Bumabalik na sa normal ang tursimo sa Baguio City. Tinatayang nasa 5, 643 ang naitalang bilang ng turismo sa City Registration Platform, na pinakamataas mula nang magsimula ang pandemic.
Batay sa Supervising City Tourism Operations Officer na si Aloysius Mapalo, hindi ito nalalayo sa 6K na dami ng turistang karaniwang dumadagsa bago pa nagkaroon ng COVID-19 sa bansa.
Ganon pa man dagdag ni Mapalo ay sinisigurado nila na kaya pa ring na i-accommodate ng mga hotels, transient houses at bus terminals na accredited ng lugar para mag apruba at mag proseso ng tourist passes.
Kinumpirma rin niya na bagamat lumalago na muli ang turismo sa Baguio ay sinisiguro nila na nasusunod pa rin ang health and safety protocols sa mga lugar na dinadayo ng mga tao. —sa panulat ni Mara Valle