Apektado na ang mga hanap buhay at turismo sa Boracay ng 2019 novel coronavirus scare.
Ayon sa municipal tourism office ng Boracay, wala silang nakikitang mga Chinese nationals sa lugar.
Magugunitang ang mga ito ay isa sa mga pinakamaraming bilang ng mga turistang pumupunta sa isla.
Halos kalahati rin ang lugi ng ilang mga umaasa sa turismo bilang kanilang kabuhayan.
Sa ngayon ay suspendido pa ring ang mga flight mula Kalibo International Airport papuntang China.