Bigo pang maka-rekober ang turismo ng South Korea dahil sa outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).
Ayon sa South Korea, bumulusok sa 40 porsyento ang bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa noong isang buwan.
Tinatayang nasa 93 million US dollar ang nawawala sa revenue ng Korea dahil sa MERS outbreak.
Sinasabing tumaas pa ng 10.7% ang tourist arrival sa nasabing bansa noong Mayo.
By Judith Larino