Posibleng dumagsa sa Pilipinas ang mga turista mula sa Middle East.
Ito’y makaraang magpulong sina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Saudi Vice Minister of Tourism Princess Haifa Al Saudi.
Layunin nito na maipakilala ang tourist destinations ng Pilipinas at Saudi Arabia
Nakatakdang tulungan ng Saudi ang Pilipinas para magkaroon ng arabic speaking tour guides.
Maliban dito, magkakaroon din ng karagdagang direct flights mula Saudi Arabia patungong Pilipinas at ang paggawa ng investor directory.
Magdedevelop din ng halal at pilgrimage tourism portfolios.
Nangunguna ang Saudi Arabia bilang source market ng Pilipinas sa Middle East.