Patuloy na tumataas ang bilang ng mga traveller na pumapasok sa bansa simula nang buksan na sa mga foreign travel ang Pilipinas.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Krizia Sandoval na base sa kanilang talaan pumalo ng halos walong libo ang mga international traveller na pumapasok sa bansa sa unang linggo ng implementasyon ng mas maluwag na restrictions.
Habang umakyat naman ito sa 9,000 kada araw pagpasok ng ikalawang linggo.
Ani sandoval, ngayong nasa mahigit isang buwan na ang pagpapatupad ng Alert level 1 sa mas maraming lugar sa bansa, makikitang sumipa na sa halos sampung libo kada araw ang dumadating na mga biyahero mula sa ibayong dagat.
Ipinabatid pa ni Sandoval na posibleng umabot na ng hanggang 12,000 ang magiging daily average na turista ang papasok sa bansa ngayong summer season.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)