Hindi na inoobliga ang mga turista na magpakita ng vaccination card o certificate of vaccination sa pagbisita sa lalawigan ng Bohol.
Ito’y matapos ilabas ang kautusan kaugnay sa hindi na kinakailangan na magpakita ng vaccination card ang mga asymptomatic individuals.
Ayon kay Bohol Governor Aris Aumentado, agad na ipatutupad ang kautusan sa nasabing lalawigan.
Gayunpaman, ang mga papasok na manlalakbay na may mga sintomas aniya ng COVID-19 ay kakailanganin pa ring magpakita ng vaccination card para makapasok at kung wala naman silang maipakita ay agad naman silang isasailalim sa contact tracing.
Samantala, paiigtingin pa rin ang vaccination drive sa lahat ng local government units sa lalawigan.