Pumalo sa 69% ang itinaas ng tourist arrivals sa Malay, Aklan.
Ayon kay Aklan representative Teodorico Haresco Jr. senyales ito ng economic recovery ng probinsya at ng bansa.
Batay sa ulat ng municipal tourism office ng Aklan nasa 18,400 ang turista na bumisita sa boracay simula Marso hanggang Hunyo.
Sinabi rin ni Haresco, ang hamon ngayon sa kanila ay ang patuloy na pagpapatupad ng health and safety protocols para protektahan ang mga turista at residente ng probinsya laban sa COVID-19.
Aniya, susi ang tourism industry ng aklan para sa pagbubukas ng trabaho at economic recovery ng bansa.