Pinagbabawalan na munang pumasok ng Boracay Island o sa bayan ng Malay ang mga turistang may history ng pagbiyahe sa China, Hongkong, at Macau.
Isang resolusyon hinggil dito ang ipinasa ng Malay Task Force against 2019 nCoV na anila’y tanggap naman ng business sector lalo na sa Boracay.
Sa ngayon, may mahigit 300 Chinese national sa Boracay ang minomonitor ng task force.
Ayon sa task force, naka alert ang mga barangay health emergency response team samantalang ang mga hotels at resorts ay binigyan na ng guidelines kung paano tamang handling sa mga Chinese nationals.